Ayan.Ako na lang ang taong gising. Gagawa na naman ako ng napakawalang kwentang pagnanakaw. Magpupuyat na naman ako para sa isang walang napakawalang silbeng bagay. Kapag nakakakita kasi ako ng waiting shed, di na maalis sa isip ko. Katulad kanina meron na naman. Kailan ko nga ba nadiskubre ang waiting shed? Nung bata yata ako nandyan na yan, gamit yan ng nanay ko, tatay ko at lahat ng uri ng tao. Ang tingin ko sa waiting shed pag sa malayo parang ang laki! Napawow pa nga ako nun! Di ba ganun naman talaga tayo kapag bata? Tingin natin sa isang bagay ang laki laki. Inisip ko rin nun kung ano ang importansya ng waiting shed sa isang tao, at hanggang ngayon patuloy ko pa rin tong iniisip. Nagulat kasi ako nung paglaki ko, parang naging uso pa lalo ang waiting shed! Sabi ko dapat wala na to sa panahon namin kasi makakahanap na ng ibang trip ang mga tao. Hindi pala! Mas nagulat pa ko nung lumaki pa lalo to! Naging bongga na ang mga waiting shed! Kakaiba na! May mga advertisement na iba't iba ang mga kulay ang nakasuot sa mga to! Sabi ko sa sarili ko ang hanep ng bonggang bongga! At mas nagulat pa ko lalo nung nakita ko isang araw sa isang kanto na puro lalaki ang nakisuob sa waiting shed na pagkalaki laki at balot ng iba't ibang klase ng palamuti! Kakaiba talaga. At nung minsan pa, di ko rin naiwasang pansinin yung katabi ko sa bus na lalaki na di mapakali at panay ang tingin sa kung saan. Dahil chismosa ako, sinundan ko yung tingin nya.. At natulala ako sa nakita ko! Waiting shed sa loob ng bus! Panalo db? Di ka makapaniwala nuh? Ako rin nung una...