Nakakamiss talaga yung mga bagay na wala na sayo.Halimbawa nalang nitong naging trabaho ko sa News and Public Affairs bilang Researcher. Binitiwan ko kasi sabi ko pagod na pagod na pagod na ako sa kakahanap ng mga bagay na hindi ko alam kung bakit ko hinahanap in the first place. Napunta kasi ako sa programang health ang naturang mga topic, Pinoy MD, yung kalaban ng Salamat Dok? Alam nyo ba yung program na yun? Kung sino ka mang nagbabasa ka. 'Pag sobrang ngarag na nga eh hindi ko maiwasang itext ang mga kaibigan at iba pang personal contacts ko para magtanung kung may kakilala silang magandang babae pero may buhok sa kili kili, nanay na may itsura, kakapanganak palang tapos may hair loss, case study na mataba, na may hypertension, yung may urinary incontinence, may pasma, at kung anu-anong klase at uri ng case study na may depekto sa kalusugan. Mahirap mapunta sa isang programa na puro pagpapainam sa kalusugan ang bawat sinasabi tapos yung mga Researchers na naghahanap eh yung tipong babagsak na sa sobrang pagod. Isang taon at apat na buwan rin ako sa trabaho na iyon. Matagal na yun para sa karamihan sa amin. Swerte pa pala ako. O bobo lang talaga para manatili, Hind ko alam. Ang alam ko lang tuwing tapos na kami mag-shoot eh lagi kong nararamdaman yung sense of fulfillment. Accomplishment sa akin ang mahirapan ako. Pinaka-masarap na bahagi sa akin yung reflection every tapos ng shoot, pagkauwi ko, habang nasa byahe, napapangiti nalang ako dahil I was able to do all that, I made that happen. Kaya nga siguro nakalagay sa bawat palabas ng ABS-CBN andoon sa CBB nila yung salitang. "all glory to GOD" eh, Yun mismo. Kahit kakaonti lang ang nakakapanood ng programa namin, masaya parin sa pakiramdam, kahit na kailangan ko pang pilitin yung mga magulang at kapatid ko na manood, magising ng maaga tuwing sabado. Iba ang suporta nila. Ginusto mo yan, ang lagi nilang sinasabi sa akin noon. May isang araw na lugmok na lugmok na ako pagdating ng bahay kasi wala parin akong case study o hindi pa rin kasado lahat ng elements na ishushoot na bukas, ginusto mo yan eh, ang lagi nilang paalala. Ang dami kong mga memorable moments na gustong isulat, maisabuhay muli kaso para saan pa, bakit ko pa babalikan? Noon isang gabi nga, napuyat ako kakabasa ng mga thread messages namin ng segment at executive producer ko. Pasalamat nalang ako at naging maayos ang pagalis ko doon kahit na may nagreklamo na namang isang expert doon sa last story ko. Okay pa rin. Nakakausap ko parin yung mga nakatrabaho na kalaunan ay naging kaibigan narin in terms of sa pagrarant kung gaano ka-insane, ka-kaloka, ka-kaparanoid ng trabaho, ng mga exchange of texts, emails etc. (cont)