Mga posibleng sagot sa tanung na, "Ano ba kasing standard mo?"
1. Iyong lalaki na hindi po sana magmumukhang bading sa wedding day picture namin kapag sinabit sa wall ng magiging bahay namin
2. Iyong mabait
3. Iyong mukhang maraming pera sa bank account, kung hindi po talaga achieve, kahit sa mukha na lang, fake it 'til we make it in life na lang kami ganern
4. Iyong kaya pong mabigyan ng limang apo na may matatangos na ilong ang mga magulang ko, if not move on po tayo sa next please lol
5. Iyong kaya po ako ipagtayo ng bahay na hanggang third floor ang taas with rooftop, carpark at balcony, with garden po na may tent overlooking the whole world
6. Iyong nabasa nya na lahat ng libro na gusto kong basahin bago ko pa man ito mabasa
7. Iyong nilatag nya na yung mga bituin sa mga paa ko bago ko pa mabigkas ang "Ang ganda ng mga bituin, kung kaya ko lang silang abutin..."
8. Lalaki. Just to be clear, Lalaki po ang hanap ko. Isang malaking standard na po iyon para sa'kin. Thanks po. Lol
😂😂