"Sana pag binasa ko ulit to next month eh nakaraos na ako sa tinatawag kong problema ngayon. Sana nakalampas na ako sa sitwasyon na kinaroroonan ko. Next stage na naman please. Sa ilang buwan n pananatili ko dito sa bahay, naging masaya naman ako, sa pagbabantay ko kay Clark, sa pag-aantay ng mga palabas na gusto kong panoorin. Pero di nawawala ang pakiramdam na parang napagiiwanan na ako. Ginagawa ko naman ang makakaya ko para tanggapin sa mga kumpanya na pinag-aapplyan ko. Ano ang kulang? Onti-onti na akong nawawalan ng pag-asa. At kung dati iiyak lang ako para makuha ang mga gusto ko kila mama at papa at sa pamilya ko. Ngayon, kahit super dami na sigurong luha ang mailabas ko, pupunasan lang nila ito, bibigyan ako ng mga advice, sasabihan ng "makakahanap ka rin. Take your time." Hanggang doon nalang ang support nila. Nasa akin na ang desisyon kung saan papatungo ang buhay ko. Noong tinanggap ko yung diploma na yun kamakailan akala ko hudyat na iyon para masabi ko sa kanila na "kaya ko na po ito". Hindi pala. Ma, Pa. Okay lang ba, kahit ngayong araw lang, pwede ko bang sabihin na "hay, ewan ko, bahala na muna"?"
- Self at 20, 30 June 2012