Wednesday, September 16, 2015

The Quest for the best Carbonara

Nakakaburyo sa office, to think na I work in the government. Nafi-feel ko naman yung nafeel ko sa naging una kong trabaho, yung I could do this procrastination at home, finer and classier. Grabe, but anyways. kahapon ng umaga nakatikim ako ng carbonara, not my first, pero it was the first time that I really appreciate the taste of it. I used to not eat it, hindi ko alam, para sakin kasi parang tamad na pagkain sya, matabang at almost to the point na walang lasa. Tama nga yata yung kasabihan, you hate the thing or the person who has the same quality/ies as you haha! So kahapon, nagyaya yung mabait na ka-officemate ko na may dala nung carbonara, eh umaga, medyo gutom, so sabi ko tikim lang. Shala, nag-crave ako! Hindi ko alam kung dahil yun sa gutom, sa pagkabitin, pero ilang minutes siguro para na akong naglilihi na ewan (though I have to say I'm not very familiar with the habits of paglilihi) pero for the lack of a better analogy, let's call it that way na lang, shall we? Hindi na ko mapakali sa cubicle ko, kumain ako ng tinapay para mawala yung pagki-crave ng tiyan ko o nang utak ko pero maya maya bumalik na naman. In my head, "I waaaaaaant carbonara or else!" nag-decide akong lumabas at mag-explore, nagpunta ako ng 7-11, wala. Bumalik ako ng office. Hindi parin ako mapakali. I messaged a co-researcher (and I think mababasa nya to haha)) kung may nagtitinda ba ng carbonara within the vicinity. May sinabi syang canteen. Punta kami. Pagdating doon, shala ulit kasi pangmaramihan lang yung orders for carbonara! Nauwi ako sa pagkain ng massive pancit worth 60 pesos. Doon ako nabusog! 


Come afternoon, lumabas ulit ako to buy ingredients para sa dinner namin sa quarters. Eh napadaan ako ng pizza hut! May nakita akong isang customer na kumakain ng carbonara! Agad-agad, pumasok ako ng pizza hut para bumili! It didn't taste much though, yung noodle ang tigas pa siguro kasi tanung ako ng tanung kung matagal pa ba. Nasobrahan yata yung pagka-excite ko, Pero cravings fulfilled parin naman with tons of ground pepper. 


Come next day, which is today. Another buryo day sa office, I was reading the constitution and RA 6713 (if you have take the civil service exam, you would know haha) while reading all I can think about in my head is the taste of pansit, of the carbonara, of garlic bread, of the smell of coffee, sabi ko shit iba na to. Hindi ako makapag-concentrate. One of my close office mates dropped by my cubicle, samahan ko raw sya lumabas. Sobrang gutom ko na by this time. I'm struggling whether I would by that pancit again to ease the hunger, eh nakakatamad yung lakad sa isang bagay o pagkain na 50% ko lang naman na gusto. Pero masarap naman sya, wala lang I crave for carbonara some more. Ayun after transactions sa bank in between kwento na nagki-crave ako ng carbonara, my office mate suggested pancake house. sabi ko pa kung kaya yung 100 pesos dun haha ang rating? 4 out of 5! It wasn't the best but it wasn't that bad either, hindi sya dry gaya ng nalasahan ko kahapon. She suggested further to try carbonara in Banapple and French Baker. Pagiipunan ko muna, mukhang hindi na kaya ng 100 yun eh lols. 


Lesson? Follow your cravings! Worth it. :) Makes you want to live some more and eat most of the time. haha!

No comments:

Post a Comment