So, after two HBO movies sa bago naming flatscreen tv na napanalunan ko as major raffle prize sa Christmas Party ng office na note, 50 inches, note ulit baka hindi mo nabasa ng matino: 50 inches! haha!!! One post on Instagram, social media scrolling, one glass of wine and too much intake of calories, here I am to post something about our first ever experience spending Christmas day outdoor. Yes, we made an effort to go out and it was too hilarious not to share. Kailangan ko talaga ng isang araw na bwelo kasi isang pagsubok ang dinanas ng pamilya ko mapanood lang ang movie na 'to. Yung gusto kong magmura kung bakit ba naisipan naming panoorin ang pelikula na 'yon, yung mag-effort palang na lumabas ng bahay at makipagsapalaran sa siksikang mall in the first place, dun palang napapamura na'ko eh as I reflect haha pero baka may makabasa na fan so 'wag nalang haha at ginusto naman namin yun tsaka kasama ko naman yung pamilya ko during that experience, so okay lang, we ended up laughing about it afterwards. So here we go. Ang backstory: Since the phenomenal breakout of "Aldub" of Eat Bulaga's segment called Kalyeserye featuring Alden Richards and Maine Mendoza, yung Nanay at Tatay ko pati pinsan at pamangkin ko iba yung pagka-humaling, like most of its fans. I have to admit even I hopped in on the bandwagon. For a while, at least until it feels like, sorry but for lack of a better term, it's like eating a liempo or a bubblegum that lost its taste as I chew. But my heart still aches for Alden haha crush na crush ko na sya kindergarten palang. Charot. Haha!
Simula nang Aldub na yan, walang pinapalampas na episodes yung mga magulang ko, news about aldub alam nila yan, walang makakapigil sa kanila ika nga ng mga pabebe girls, yung pamangkin ko lahat ng commercials, billboards humaling na humaling hahaha yung papakantahin ka at pipilitin kang panoorin ang commercial nila, it was adorable. Eh dumating 'tong movie na 'to, My Bebelove #KiligPaMore, sabi ko "ay tiyak hindi sila papayag na mapalampas 'to! Hindi pwede!" So I took the initiative haha not knowing the sacrifice (read: pagsubok) afterwards charing haha naisipan kong yayain silang manood on Christmas Day. Maliban sa Kuya kong ang hobby bukod sa pagiging sikat na barefoot runner, ay ang matulog nang matulog habang may pagkakataon, na nag-react nang "seryoso kayo diyan?" at sa usual antics, "Kayo nalang" ng Tatay ko, wala namang nag big no vehemently, wow. So go kaming lahat, yung tatay at nanay ko, yung oldest brother ko with Ate Carol and their Clark, then Marvy, yung pinsan kong humaling na humaling rin, tapos ako. Sayang nga at wala pa roon yung pamilya ng isa ko pang kuya. Para mas maging wild ang experience! Haha. Aware naman kaming madami talagang tao sa mall tuwing Pasko, pero hindi pa namin nae-experience kung gaano kadami yung volume, yung hinayupak na level ng tao na dadagsa sa mall ng Pasko, sanay kami sa bahay lang, kumain ng kumain ng kumain. Ganun. Kaya push kami carebear kayong mga tao kayo manonood kami ng My Bebelove #KiligPamore walang makakapigil sa'min! Yan ang motto ng pamilya ko kahapon.
Pucha, eh byahe palang effort na. Sakay ng jeep pami-pamilya na may kargang mga bata, from four years old to one month old! Juskopo! Anung alam nyan sa Aldub. And to think na nasa kabihasnan na kami ng lagay na yun. Magmumula kami ng Carmona papuntang SM Sta. Rosa. Who would think na ganun?! Akala ko sa City lang ang hype ganyan. Sa byahe palang nakakapagod na, wala kasing derecho na sakayan papunta doon so we have to hop in and out sa jeep bago makarating sa mall. Yung may makakasabay ka na nanay na may dala dalang apat na bata sa pagsakay ng jeep na hindi nakahinto ng maayos tapos bigla silang bababa ulit kasi puno na tapos makakasalubong mo sila habang ikaw at kayo ng mga kasama mong mandirigma papaakyat tapos yung jeep hindi maayos yung paghinto kasi pala nasa maling hintuan sya na nangangahulugan na nasa maling sakayan rin kayo, mga ganung eksena te. Napaka-delikado kahit ako nag-panic na nakakaawa na nakakatawa makakita at maging part sa ganoong klaseng situation. Tapos loko loko yung kuya ko kung makatawa pero 'yon lang ginawa namin sa jeep nung nakasakay na kami ng maayos. Kasi kesa naman maghimutok di ba, itawa nalang.
Culture shock ang tao sa SM Sta. Rosa. Not to say yung amoy sa bawat corners. Ibang klase, parang ayoko na nga i-push 'tong blog update na 'to kasi naalala ko at ayaw ko nang maalala hahaha!! Pagpasok palang punong-puno nang tao ang mga kainan, department store, kahit saan ka sumuot may tao. Kaya derecho kami agad sa sinehan. Shit just turned real ang experience. Just imagine yung pila, siguro from Zapote to Alabang, pucha di ba? Tapos one cinema showing lang. Pucha talaga. Tiningnan ko yung mga magulang ko, medyo nalungkot siguro sila, kasi kahit ako nga pag may gustong gusto ako, nadi-disappoint na na parang "me against the world" perspective agad pag hindi ko nakukuha o nagagawa yung gusto kong gawin, yun pa kaya na simpleng pagnood lang ng favorite Aldub nila. Pero nakaka-overwhelm kasi talaga yung pila eh, ang nasabi ko nalang, "Mag All I Want is Pag-Ibig nalang tayo, gusto 'nyo?" hindi sila umimik agad, maya maya sabi ng nanay ko, "sa ibang araw nalang tayo, wala na sigurong pila sa linggo". Take that Aldub! If ever man na magpasabog kayo ng loyalty award, sana naman maging candidate yung magulang ko. Justice! Haha.
Naisipan nalang ni Ate Carol na bilhan si Clark ng laruan sa Toy Section ng Department Store gamit ang pinaskuhan na 100 pesos na binigay kay Clark habang nakatambay kami sa gate ng kapitbahay ni Papa habang nagaantay ng tricycle palabas bago ang mall escapade. Christmas feel talaga! Loneliest feeling in the world not being considered a child anymore during Christmas season. Yung age ko hindi na swak sa 100 pesos level, sobrang heartbreaking. Shala sa drama haha but moving forward, hindi na kami sumama sa pagbili ng laruan kasi napakasikip ng mundo sa SM Sta. Rosa, kumain nalang kami ng halo halo sa razons para lumamig yung mga ulo namin haha (note: first time naming kumain ng halo halo sa razons na buo buo ang yelo like gaaaa will this day turn right ever like for once?!) Anyways, katabi ng SM Sta. Rosa ang SM Robinsons or Robinsons or whatever you call it, come to think of it, magandang idea ang ipagdikit nalang sana ang SM at Robinsons para hindi na kami mahirapan na tagapanood ng crappy movies during MMFF kakalakad para alamin kung mahaba ang pila ng isang sikat na crappy movie na entry sa MMFF kasi pukang ama nyo, nilakad namin from SM Sto. Rosa to Robinsons, mapanood lang kayo. You have to take me seriously and do it! Haha. Nag-decide kaming lakarin nalang kasi ayaw parin naman naming umuwi kasi effort yung byahe, habang naglalakad kami tanaw namin sa left side ang napakagandang scenery na magpapaala sayo ng mga patayan scenes or rape scenes na uso sa mga makalumang Filipino films, sa right side naman medyo highway, puro alikabog, tapos mainit, ganun ka-effort, Quest for Bebelove talaga ang peg. Pagdating pa namin sa sinehan ng Robinsons may nakasagutan kaming kamukha ni Madam Auring na may pagkakahawig rin sa mga babaeng nangmomodus na nakikita natin palagi sa 24 Oras at TV Patrol, na-imagine mo? Beware, baka maka-experience ka rin na ganyan na ganyan din ang description. Hahaha! Pero it turned out na aldub fans lang din sila ng anak nya na willing to fight for their rights, kahit gaano man kababaw ang rights na pinaglalaban nila. Well, hindi rin kami nagpatalo! Fans din kami eh! I mean, yung nanay at tatay ko. Haha so nakipagtalo rin kami. Pumunta kami dun with a motto "Walang makakapigil samin!" kahit mukhang Madam Auring ka pa, wala kaming pake! Nakakatakot no? Medyo bothering na rin. Like what are we turning into just for this Aldub thing? Haha pero what the heck, it was fun.
Tiniis namin yon kasi medyo tolerable ang pila kesa sa una naming pinuntahan. Nakipagsapalaran kaming lumabas around 2PM, nakanood kami ng mga 5PM. Was it worth it? Yes, definitely because I was with my family. And it was one hell of a first time experience especially during Christmas. I'm sure it will definitely our last haha! I couldn't imagine anybody doing it for the second time. Grabe lang 'yon. How about the movie? You may ask with that know it all lopsided smirk. Well, it was a laugh. But it was a trash for my standard :) no artist will ever be a part of it. Not without a specific "I can change the world" purpose. Just no. And the egoistic "A film by" was overly written. Gaaaa. JUST NO.
So there, that was our Christmas 2015. How's yours? :)
No comments:
Post a Comment