Matagal ko nang pangarap magpa-tattoo, alam mo ba 'yon? Bakit? Wala lang, para mag-mukhang cool, para masabihan na, "uy ang astig may tattoo ka" pero higit sa lahat para maranasan ko naman masaktan, ng iba, ng hindi ko pamilya, kapatid o kamag-anak, kahit doon man lang, hanggang sa dumating ka. Sabi ko 'pag pumatak ako sa edad na bente singko at wala ka pa rin sa buhay ko, iyon na ang tamang panahon. This year na ang tamang panahon, October 5 2016, ilang buwan nalang from now. Hindi ko alam kung ihohold ko ba ang pa-cool na planong 'to o mag-aantay hanggang sa dumating ka at sasamahan mo akong maisakatuparan ang pa-cool whim na ito, bakit kasi ang tagal mo. Napakasama ko bang nilalang at hindi ka pinapasok pasok sa buhay ko? Anung misteryo ang nababalot sa magiging buhay pag-ibig ko. Pero anyways, ayokong magmukmok at mag-self pity, okay lang, take your time, at least di ba may tattoo akong maipagmamayabang pagdating na pagdating mo sa buhay ko na "O! Tingnan mo, para sayo 'tong pina-tattoo na 'to!"
Kilala mo ba si Antoinette Jadaone? Magaling na writer at director 'yon, sa kanya ako unang nagka-ediya kung ano ang ipapa-tattoo. Okay ba sayo ang "nanalig, umibig, lumigaya?" Ang cool di ba? Hindi ko pa nga lang alam kung saang parte ng katawan ko ipapalagay pero sabi ko sa sarili ko few months ago na "Yan na! Swak na swak 'to sa pag-aantay ko sayo. Desidido na 'ko." Nawasak lahat 'yon nang dumating ang pelikulang Walang Forever starring Jericho Rosales at Jennylyn Mercado. Siguro kung makaharap tayo ngayon at totoong naguusap, itatanung mo sakin kung bakit parang lahat ng plano ko eh based sa kung ano ang nakikita ko, sa kung ano ang uso. Wala kang pake. Ang tagal mo eh. Take me for what I'm worth. Shit, sorry, I don't want this to be our first quarrel. Pero ikaw kasi. No, don't talk back please. Let me finish.
Pinanood ko ang Walang Forever, sa ayaw mo ma't kung ano. What's your argument? Wala ka eh, ang tagal mo. And I'm pretty sure wherever you are right now, ramdam ko na pinanood mo rin tong movie na 'to either magisa ka kasi cool off kayo ng current girlfriend mo o ayaw nyang sumama sa'yo kasi ayaw nya nang mga salitang nagsisimula sa "wala". If I were you, break with her, she's not for you, I'll tell you. Pero I would like to think, I'm hoping na you're very happy with your life right now, kasi ayokong dumating ka sa buhay ko na punong puno nang pighati na tila ba dumating lang ako sa buhay mo by pure chance, by accident, or out of luck. I want you to know also na I'm thriving, very hard, to make mine as happy as it can be kasi I want it to be a "meant to be" for us. Ayoko nang may reservations, ayoko. Live your life, be happy, and I'll do the same. If we are ready, let's meet. I'll set the date for you. Hmm, let's see, okay ba sayo ang October 5, 2016. 7PM, Adamson University Walkway? Note that I've never came early in any meet ups because being an early bird brings me pressure na hindi ko maintidihan, so I always make it late as much as I can, pero para sayo I will come early. But then who am I kidding with all these meet up bullshit, the world doesn't work this way. I'm getting over myself, sorry. And I'm getting over something more powerful than myself, or yourself, or this Pia Wurztbach universe. Ayoko ko Syang pangunahan. Note na this is the only "ayaw" that I can't prioritize, the rest I can, with you, because we are meant for each other like that.
Madaldal ako, pansin mo? And pretty much a gullible one, madaling ma-sidetrack ng mga spur in the moments flow of the current. Deal with me on that, or mold me. Do I have to emphasize that I am with the most self centered being you will ever meet. See, na-sidetrack na naman sa ibang topic, when in the first place eh gusto ko lang naman ikwento, sabihin at ipaalam sa'yo na nagbago na 'yong isip ko sa "nanalig, umibig, lumigaya". Itatago ko nalang muna 'yon hanggang sa ikasal na tayo at may tatlo na tayong mga anak. Wishful thinking, I know. Pero anyways, naisip ko ito after watching Walang Forever kung saan nakakuha ako ng bagong ideya, kung saan tingin ko mas swak na swak para sa paghihintay ko sa'yo, walang iba kundi ang "Para Sa'yo na Darating Palang", ipapasulat ko ito in cursive sa parte nang katawan ko kung saan kitang kita mo malayo palang.
Sa ganitong paraan, hindi ako magkakamaling umibig sa maling lalaki, o ma-pressure sa pagkakaroon ng kasintahan kasi lahat ng kakilala ko either kasal na o may anak na, sa ganitong paraan, hindi ako makakasakit ng damdamin ng ibang lalaki, sa ganitong paraan, sure ako na may isang lalaki sa malawak na mundong 'to na magmamahal sakin, na may para sa'kin na nilaan na darating palang. x
ganda naman nito..
ReplyDelete"Pero I would like to think, I'm hoping na you're very happy with your life right now, kasi ayokong dumating ka sa buhay ko na punong puno nang pighati na tila ba dumating lang ako sa buhay mo by pure chance, by accident, or out of luck. I want you to know also na I'm thriving, very hard, to make mine as happy as it can be kasi I want it to be a "meant to be" for us. Ayoko nang may reservations, ayoko. Live your life, be happy, and I'll do the same. If we are ready, let's meet."
I am heartbroken now.. just got off a relationship after 8 years.. and it's hard but if iam to meet the right one, ang dapat.. I should be happy para walang akong dalang bagahe, walang reservations.. thank you for the article. It make so much sense..