Nagugulat ako sa nakukuhang traffic ng blog ko lately, kada araw may views, kada araw nadagdagan yung views ng mga posts ko na personally eh hindi ko naman pinagisipan talaga ng masinsinan, kung ano lang ang feel at pumasok sa isip ko, go post. Nakakakilig po, Higher Being. Ang babaw pero sabi ko nga mahilig ako sa underrated fun at pinapa-overrate ko sya, kasi sino pa bang gagawa nung appreciation sa mga kalokohan ko, kundi ako lang din. Duuhhh? Feel na feel ko na ang kasikatan ko sa blogspot kaya naman isang gabi, kahapon lang actually, pinagpuyatan kong pag-aralan ang google analytics hahaha!! Hindi ko kinakaya ang pagfi-feeling ko pero syempre di ba bilang isang papansin na writer, gusto ko rin malaman ng bongga kung sino na yung mga napapadpad sa blog ko, baka yung crush ko na pala na - may girlfriend na mahal na mahal sya at mukhang wala na talaga yatang balak bitawan at pakawalan sya para maangkin ng isang hayok na hayok, laway na laway na nilalang na gaya ko - ang nakakabasa ng blog ko di ba, syempre napakasarap sa feeling nun bilang isang nagmamahal sa isang taong may girlfriend na mahal na mahal sya at mukhang wala na talaga yatang balak bitawan at pakawalan sya para maangking ng isang hayok na hayok, laway na laway na nilalang na gaya ko hahaha paulit ulit. Pero going back, wala sa google analytics ang gusto kong mahanap. Yung feelings ng reader ang gusto kong malaman, kung anung tingin nila sa blog post ko. FEELING. Yan ang ang gusto kong malaman. Para naman may balance dito, di ba? Hindi yung puro ako nalang lagi ang nagpaparamdam. Iparamdam mo rin! Ganung drama. Haha! Puro statistics ang drama ni google analytics, though. Walang pangalan, walang notification whatsoever kung sino sino na ang nagshishare. Nakaka-frustrate isipin kung saan saan na napapadpad sa social world itong mga pinopost ko. Kaya naman kanina nung nagbukas ako ng email ko, tuwang tuwa ako kasi sabi may 2 comments raw na nagiwan sa latest post. Hanggang ngayon hindi ko pa sila nirereplyan kasi kilig na kilig pa ko hahaha feel na feel lang, I mean shet helena, peter o kung sinon ka man, ANO TO?! Hindi ko pinangarap ang dalawang comment na 'to sa blog ko! What do I do? Nakaka-panic! Paano ko i-hahandle ang ganitong kasikatan na 'to!! HAHAHAHA. Medyo nasagot yata ni David Martin, ang protagonist ni Carlos Ruiz Zafon sa librong "The Angel's Game" nung sinabi nya sa pambungad na chapter, "A writer never forgets the first time he accepted a few coins or a word of praise in exchange for a story. He will never forget the SWEET POISON OF VANITY in his blood, and the belief that, if he succeeds in not letting anyone discover his lack of talent, the dream of literature will provide him with a roof over his head, a hot meal at the end of the day, and what he covets the most: his name printed on a miserable piece of paper that surely will outlive him." Yung caps lock lang actually yung may sense sakin. At yan na yan yung nararamdaman ko nung makita ko ang mga views at ang dalawang comment. HAHAHA!! Aaaaahhh the sweet poison of vanity, thank you so much!
I couldn't help but smile upon reading this. Somehow I kind of feel like (yes, I am assuming) that I made someone else's day by just leaving a comment. Not that I am actually stalking you or whatever. HAHA. I just enjoy reading your posts - it feels like chatting with a friend after a few shots of vodka or sitting down at a coffee shop, unmindful of other people and happenings that unfolds around you. Your blog is quite compelling, if I do say so, myself. :D Also, blame Ate Carol, I discovered your blog through the link she posted on FB (I am convincing myself that this is not at creepy at all). hahaha
ReplyDeleteYou made my day po by leaving comment here on my blog, Ms Batang Gala :) hahaha natawa naman po ako sa stalking :D :D kinikilig po ako pag may nagbabasa ng mga posts ko aside from my vain self hahaha! I thank Ate Carol as well for being so supportive hehe nagawi rin ako minsan sa blog mo :) at magagawi pang muli, medyo busy lang these days hehe I hope to meet you at a random coffee shop, sometime! Cheers.
ReplyDelete