Sunday, May 22, 2016

like love haha wow sad angry

I'm back! Kaway kaway sa mga fans na nag-aabang ng panibagong shit post (wow haha!) Isang buwan rin! Ang tagal ko ring binalak magsulat ulit rito noong isang linggo habang nagwawalis, noong nakaraang araw habang naghuhugas ng pinggan, noong kamakalawa habang nakatingin sa profile picture ng crush ko na sweet na sweet sa girlfriend nya, noong isang gabi habang nagpipigil ng inis, ng kaba, ng ihi, ng tae habang nasa bus sa kahabaan ng napaka-trapik na alabang-zapote road pauwi galing sa nakakataeng eight to five na trabaho, at ngayon habang nagpipigil ng kaantukan kasi kapag pinalipas ko pa ito mawawalan na naman ako ng ganang magsulat, pero mas okay na rin siguro yun kesa naman di makatae, di ba? Mas mahirap tumae ng tubol. Horror. 

Ang dami ko ring inipon na energy bago nito, ang dami dami kong gustong ikwento, samu't-sari, like love haha wow sad angry ika nga ni Facebook, so many feels, like yung i-kwento sayo in perfect details yung four weeks old na experience ko sa kasal ng pinsan ko sa Leyte, kung gaano kalungkot (and very philosophical at the same time encountering the clouds of Hayao Miyazaki up there.) bumyahe mag-isa ng walang pera kasi ang mahal mahal ng ticket ng cebu pacific tapos may kapal ng mukha pa rin silang mag-announce ng delayed flight at i-reduced into dusts kaming mga client nila na pumila para makakuha ng libreng rasyon na instant noodles na chicken flavored, gusto ko rin sana i-share step by step like some bad ass expert yung DIY experiment na ginawa ko sa hair ko, pati sana yung kain namin ni Eduard sa Mary Grace, kung paano kami nangati during and after kasi sosyalin pala yung napasukan namin (pero in fairness ang sarap ng lemon water nila ah, or was it lemon? LOL), pati rin sana kung paano ako nakatapos ng libro ni Charles Dickens titled Great Expectations sa loob ng ilang buwan, kung paano ako na-nosebleed habang binabasa ito sa byahe papasok at pauwi galing ng trabaho, kung gaano ako ka-pretentious kasi half of the words written there eh hindi ko naman talaga maintindihan pero nakakaiyak, it made me whole, it me want to find my own Great Expectations (wow), kung gaano kasarap ang large coke ng Mcdo after an 1 hour and 30 minutes of giggling giggling pacute pacute lang jog with Dhei sa Grandstand ng Philippine Army, kung gaano ako ka-desperate na makatakas na sa lunggang ito na hindi ko na inisip kung ano ang magiging consequence or consequences basta alam ko natext ko nalang ang dating producer ko kung pwede pa, kung may chance pa bang makabalik ako sa mundo na nagpaparamdam sakin ng maraming feels, emotionally, spiritually, physically, intellectually, pag-ibig feels, sana ako nalang, sana ako nalang ulit ang drama ko, kung gaano ako ka-apolitical, ka-undecided, at ka-dead fish who just swim to the current sa kung sino ba talaga ang iboboto ko, kung gaano pala ka-big deal sa ibang tao ang magpa-grey hair, kung gaano ako ka-ignorant sa laman ng Bible that I just nod my head with an almost indifferent countenance of, "uhuh? Is that so?", kung gaano ka-bitin yung Zambales trip namin last weekend, kung gaano ka-indifferent yung dagat sa mga feelings na isinisiwalat namin sa kanya habang nakalusong kami, ang dami, ang dami kong gusto ikwento... pero ni isa doon, wala parin ang kwento ng pagkakaroon ko ng boyfriend. Saklap no? Iyon lang naman talaga ang gusto kong maging totoo sa buhay ko ngayon (not serious here lol) 

Mga isang buwan na paghihintay pa ulit, no? Siguro, malay natin. 

Tangina. 

No comments:

Post a Comment