Tuesday, January 25, 2011 at 12:41am
Nakakatamad na pumasok sa eskwela at makinig sa mga kagaguhan ng aking mga mumunting propisur. Nakakasawa nang makita ang mga mukha na tatlong taon ko ng nakakasalamuha. Mga pagmumukha nilang napakasarap ilublob sa tubig dahil sa kapal ng mga posturang palamuti na nilalagay nila sa kanilang mga labi at pisngi. Badterp narin akong makinig sa mga kaplastikan na nakikita't naririnig ko araw-araw, linggo-linggo at taon-taon. Ang sarap nilang nguyain ng nguyain hanggang sa isang butil na lang sila at pwede ng itapon sa isang tabi para may katahimikan na ang mundo. Ano bang napasukan ko? Hindi ako natututo sa aspetong mapabuti ang pagkatao ko. Puro kababawan at paninira ng buhay ng ibang tao ang nasasaksihan ko. Wala pang isang salita, ito ang opinyon ngayon, kinabukasan mag-iiba na naman. Kung simpleng tagapakinig ka lang, malilito ka sa pagkatao nila. At pag pinili mo namang manahimik sa isang tabi, may taong kunwa-kunwariang magaalala at magtatanong kung ano ang problema. Ang sarap lang sipain sa mukha. Ang tae ng napasukan ko: ang pino at cute tingnan sa malayuan pero puro kabahuan lang ang laman. Ang baho isipin na parte ako sa siste na ito.
Ang baho naman dito. Echos. -Tero
ReplyDelete