Masyadong masaya tong araw na 'to para i-let go and move on ko ng ganun na lang. Ang daming mga pangyayari pero wala naman talagang nangyari pero dapat pa rin itala at isabit sa sampayan ng nakaraan. Oo alam kung may bagyo at dahil trip kong magsweater just for the heck of wearing my good old borrowed sweat, nagdesisyon akong pumasok. At may usapan kami ng kaibigan ko na magkikita ng mas maaga sa pasok naming 3:30pm. Tumungo kami sa Pambansang Aklatan sa tabi ng Kalaw at nag-trip magpakaseryoso sa pag-aaral. Nang wala sa lugar, isama mo pa ang epal na bagyo na halos sumira ng pagkatao ko sa loob lang ng isang araw. Nakakabilib. Wala na ko sa linya ng usapan pero paano ba ginawa ang kahabaan ng taft? Kung ako yung arkitekto o enhenyero na nagplano nun, iiyak ako kasi tagos hanggang buto ang kabobohan ko. Buti isang taon na lang ako mamalagi sa lugar na yun. Ang saya ko pa naman kasi sa pagtambay namin sa loob ng school para magpatila ng ulan, nakatapos ako ng movie sa ipod ng kaibigan ko. Hirap na hirap yung utak kong bumukaka para maipasok at maintindihan yung kwento. At nung nakita ko sa labas yung baha, title na lang nung movie ang naalala ko. Eternal sunshine of the spotless mind. Ang haba. Daming pauso. At bago pa mag-end sa movie review to, laking pasalamat ko'at nakauwi pa 'ko. At pinarealized sa'kin na walang kwenta ang dalawang piso kung hanggang casimiro lang ang bus at kailangan mo pa ng 5 pesos para makauwi sa bahay. At ang dami kong pinasayang tao ngayon at masaya narin ako. :D
No comments:
Post a Comment