I can't bring myself to write anything decent here at i-continue yung pakulo kong exploration. Pero I would, 'wag lang ngayon. May pinagdadaanan po kasi ako, ito na ha, ito na 'yong official statement ko sa mga nag-aabang ng next post ko (hahahaha feel na feel ko lang). Ang dami kong hiniling na mangyari sa three days kong pagmumokmok sa bahay, kasi long weekend, kasi Chinese New Year, kasi Lunar Eclipse, kasi wala pa rin akong love life, kasi mas madaling humiling ng humiling ng humiling na lang, kasi late na naman yung sahod, kasi hindi ko sure kung saan na papunta ang buhay pagkatapos mong yurakyurakan ang buong pagkatao, erp! OA na. Lol. Hindi na naman ako binayayaan ng kasipagan during that three days break, paikot-ikot lang ako, nagbabahay sa mga memories na kung anu-ano at sino-sino hanggang sa di ko namalayan, tinubuuan na pala ako ng wisdom tooth. Sa lahat ng tutubo di ba? Bakit ito pa, bakit ikaw pa, lovelife na lang sana, o dream job, o fulfillment, o kayamanan, o house and lot with kotse with husband waiting inside, o world peace, o katangkaran at kagandahan at kakinisan, o kalinawan ng mata, o kasipagan ng utak at katawan para makapagsulat ng isang magandang istorya, o ang courage na aminin na sa kanya na mahal mo sya, o courage na umibig ng iba, o perseverance, o patience, o will, o kung ano man, ang daming pwedeng "o" na nararapat mangyari, pero bakit wisdom tooth? Bakit? Ang sakit nya. Ang sakit sakit sakit nya. Hindi ko magawang hugutan ng kahit anung philosopical cosmic keme itong wisdom tooth na 'to kasi ang sakit sakit sakit nya na ewan na hindi ko maintindihan, hindi ako maka-concentrate, slow na nga akong nilalang eh, hindi pa nakontento, kinabukasan singaw naman ang tumubo. Grabe talaga, ang sakit, mas masakit pa sa one sided love, mas masakit pa sa mahal mo pero di ka mahal, mas masakit pa sa 24 ka na nga pero ganito ka pa rin, mas masakit pa sa lahat ng masakit na naranasan ko pero anyways, gaya ng lahat ng masakit, hurting or the notion or the feeling of being hurt is just an expression, easily pushed away, yung pagmamahal ko lang naman ang hindi ko mapush push away. Inaantay ko na ang araw na sana ito na, magising isang umaga na "yes! hindi ko na sya mahal!" pero for now, nanamnamin ko na muna ang dalang sakit ng wisdom tooth sa buhay ko. Lol
The impressive post which explains in the short phase. Thanks for sharing.
ReplyDeleteHouse for sale in coimbatore | apartments for sale