Who the died this week??? Tanung nya, tanung mo. "Yung feelings ko sayo." sambit ko sa mahinang boses. Pak! Pero kidding aside, two great writers died this week. I didn't go to work for two days because I got chills at 12 midnight after watching a movie titled Ang Diary ng Panget. I didn't die, apparently. Nasobrahan lang siguro sa JaDine kilig kaya kinabukasan inubo. So anung point nang comparison? Wala lang. Gusto ko lang i-mention. Para aware ka lang na two great beings died this week, para malaman mo lang na updated ako, para malaman mong wala pa rin akong silbi sa mundong 'to so hindi pa ko pwedeng pumanaw, para malaman mo lang na nakaka-frustrate kasi ngayon ko lang nalaman na may writer na Umberto Eco sa Literary World, para malaman mo lang na hinihiling ko na sana hindi lang ako yung taong hindi sya kilala. Para malaman mo lang na tanginang reaction ng katawan ko sa pagmomove on sayo. Nilagnat ako?! Para malaman mo lang na hindi ko alam kung reaction ba 'to na nagsasabing "'wag kang mag-move kasi mahal ka rin naman nya eh", o positive reaction lang ito ng katawan ko na "yes sa wakas you're getting there! keep it up". Hindi ko alam. Ang hirap mong basahin. Buti pa sila Umberto Eco at Harper Lee, considerate. At least sila binigyan nila ako, kaming nagmamahal sa kanila ng chance basahin sila, makilala sila in a form of books, essays, poems etc. Buti pa sila, naiintindihan nila yung need ng "something to hold on to". Hindi gaya mo na umaalis nalang ng basta basta ng wala man lang paiwan na kahit ano kundi sakit sa damdamin. Tang ina mo, wala kang alam sa art! Uh, teka, wait lang, panibagong post na nga pala ito. At hindi nga pala ako nagmumura. Kaya nga yata ako nagkasakit dahil sa dami nang mura naibulalas ko sa last post ko dito. Anyways, Art naman ang pagusapan natin this time. Art. Wow. Why? Art could be a form of love, di ba? This particular shit, with me writing while listening to Sugarfree's Kwarto could be a form of love. Shit, nakakaiyak yung Kwarto ng Sugarfree for some reason. Because love is not absolute. It doesn't bind on one. Alone. Wow shit what are you rumbling about, Vanessa? Ang dami mong sinasabi. Porke pumunta ka ng #ArtFairPhilippines2016 kahapon, may karapatan ka nang mag-figure of speech ng pangtungkol sa Art? Well, everybody deserves to breath art. Sa case ng Art Fair, 250 pesos. Sa case noon, libre lang. May pagkain pa. Pero iba na sa siguro ngayon...
Flashback flashback shing shing...
Lumaki ako sa pamilyang mahilig sa art. Tunog yamanin no? Haha pero hindi. Hindi man nakapagtapos ng college ang mga magulang ko, yung Papa namin magaling sa aspeto ng kahit ano. Sya yung adviser namin sa mga decision makings, at least noon hehe. Isa na roon ang Art. Bachelor of Arts Major in Advertising ang kuya kong panganay, yung isa ko namang kuya Science Engineer ang kinuha pero may mata rin sa Art. Actually, sya talaga yung mas nag-excel (or kinaya yung demand na hinihingi para makagawa ng isang art) sa pagpipinta. High school ako nung nahilig sila sa pagpipinta sa pamamagitan ng pagsali sa mga art competition ng Petron, GSIS, Shell at iba pa. Bukod sa mga awayan, isa sa mga memorable experiences ng kabataan ko ang bonding naming magkakapatid. Nariyan ang isama nila ako sa mga exhibit. Cubao Expo, Megamall, Manila, CCP etc. Nilagay ko nalang na "etc" kasi hindi ko na maalala yung iba, or kung may iba pa nga ba akong napuntahan kasi never ko syang na-appreciate haha kasi naman yung utak ko nasa crush crush at pagaaral "kung paano gagawin ang isang assignment na hindi humihingi ng tulong sa mga kapatid" lang ng mga panahong yun. Never ako tumingin sa isang painting ng lagpas 45 seconds. Naalala ko yung nagkaroon ng exhibit yung isa kong kuya, college na ako ng mga panahong 'yon, manila area yung exhibit, malapit lang sa adamson so sinama ko yung mga classmates friends ko, hindi pa nagsisimula yung launch, nilantakan na agad namin yung pagkain. Isang incident with art pa was - kasama pa rin ang mga kaklase, naisipan naming pumasyal ng National Museum, nangangalahati na kami ng college nun so medyo cultured na pero mga balahura pa rin, napagtripan naming ire-enact yung painting ni Juan Luna na "Spolarium", with all our might. Mga balahura haha ganoon ako ka-walang hiya sa art. Nasa romance na pauso ng mills and boon at harlequin presents pa ang utak ko noon. Hanggang ngayon naman. Pero, isa sa mga masasayang experience yun kasi ngayon bawal na ang re-enactment or any sort sa loob ng national museum. Masasabi naming isa kami sa mga masuswerteng kabataan na nakaranas nang ganoong kalayaan kasama ang art. Hindi pa kasi masyadong uso ang social media noon, or at least yung mga likes. Ang sarap nga i-throwback ng i-throwback ng i-throw... "Hep! Okay, Iha. Kayo na, mga bwiset kayo. Now, can you move on with your shit?" That's Juan Luna right there. Lol.
Bukod sa mga art projects from high school to college, one significant encounter ko sa art ay ang pagsali ko sa isang painting competition nung gayakin ako ng isa kong kuya. Third year or fourth year college na siguro ako noon nang hamakin ko ang isang bagay na "doing it for passion" para sa karamihan pero wala lang sakin. If I'd really really really think about, masasabi kong isa sa mga biggest regrets of my life na hindi ko sya sineryoso ng bongga. Pero I remember I had the grandest idea back then, of what my painting would looked like, and of how I would do it. I was able to imagine it so clearly sa utak ko. But then I lacked the stroke and the will of an artist. Kahit alam ko, alam ng kapatid ko, na walang ka-chance chance mapansin yung gawa ko, pinasa pa rin namin. Actually, nakaka-proud ring magbitbit sa kamaynilaan ng isang canvass na may painting na kahit ako o si picasso hindi maintindihan kung ano haha
Art that requires drawings, paintings, and designs were never on my lists of shit. Kaya naman naghihimutok ang puso ko kapag pinapagawa ako ng mga design keme sa trabaho. Just no. Hindi po yan part ng job description ko. Feeling writer po ako. Hindi designer, hindi artist. Ibang klaseng art po yung nakukuha ko sa pagsusulat, thank you, ayoko nang hamakin pa ang pagpipinta. Tubol na shit po yan. Haha ayoko nang tumatae ako ng tubol.
Pero na-"cultured" na ko, ika nga nila, ng samut saring experience ko (wow), ng ibang tao, ng environment, ng certain situations, ng social media, and I gradually learned to appreciate anything that breaths art made by others :) kahit pa halagang 150 yan with no food and with lots of konyo kids gaya ng art fair na nakaka-culture sa dami ng tao, go lang.
Pero na-"cultured" na ko, ika nga nila, ng samut saring experience ko (wow), ng ibang tao, ng environment, ng certain situations, ng social media, and I gradually learned to appreciate anything that breaths art made by others :) kahit pa halagang 150 yan with no food and with lots of konyo kids gaya ng art fair na nakaka-culture sa dami ng tao, go lang.
Hindi po ito review pero feeling ko ibng iba na rin ang klase ng mga art ngayon compare sa mga nakikita ko sa mga exhibits na na-experience ko dati. Mas pasok sa panlasa ng millennials ang mga klase ng gawa ngayon. Feeling ko lang naman, yung iba kasi medyo gets ko na ang konsepto, dati kasi hindi talaga haha o baka marunong na talaga akong tumingin ng isang pinta. See for yourself below :)
Creative post. Thanks for sharing this post.
ReplyDeleteHouse for sale in coimbatore | apartments for sale