Excerpt mula sa blog post na "SANA UMIBIG TAYO NA PARANG NOONG UNANG BESES TAYONG NAKIKITA NG BULALAKAW" ni Antoinette Jadaone
"Ganun pala ‘yun. Kapag nasa harap mo na ang shooting star, at sa unang pagkakataon ay bumabagsak siya mula sa langit na tinitingala mo, makakalimutan mo ang lahat. Makakalimutan mong pwede ka nga palang humiling, na sana mahalin ka rin niya, na sana hindi ka na masaktan, na sana makalimutan mo na siya, mawawala ka sa wisyo, at ang maiisip mo lang, sa loob ng isa, dalawa, tatlong segundo, putang ina, may shooting star na bumabagsak sa harap mo. Ang magagawa mo lang, magulat, mamangha. At sa hudyat na maalala mong makakahiling ka nga pala, wala na. Tapos na. Nakadaan na ang bulalakaw. Pero sa loob-loob mo, sa totoo lang, okay lang. Nakakita ka na ng shooting star, at iyon pa lang, sapat na."
No comments:
Post a Comment