(Disclaimer: I don't owe anybody an explanation, lately naisip ko yan. Like why do I post so much? Putang ina, ano bang gain ko dito? Pero anyways, gusto ko lang malaman mo na marami kang mababasang putang ina dito, sa title palang di ba? So take it lightly okay? At medyo diskaril na naman ito sa pauso kong exploration posts keme. So read on.)
So, kumusta ang Valentine's mo, Vane? Ito ang bungad question ng mga ka-opisina ko pagpasok ng office kanina. Sabi ko, pinamanhid ko po yung buong katawan ko nung friday hanggang saturday para pagdating ng sunday 'pag nagbukas ako ng social media, wala na 'kong maramdaman na kahit ano sa mga pesteng putang inang sweet posts ng mga hinayupak na mga magsusyota na ang hilig hilig magpost ng mga selfie nila. Oo na, kayo na! Mga putang ina nyong lahat, sabi ko, sabay unfollow. Pero syempre sa utak ko lang yung pagmumura kasi I can't say it out loud. Pa-demure po ako sa personal. Hindi rin po ako bitter. Medyo lang.
Last week was one hell of a week for me, yung eksena na sa kalagitnaan ng trabaho bigla nalang ako mapapatulala, spaced out na akala mo galing sa isang masalimuot na break up haha hindi ko kinakaya yung drama ko sa sarili ko kaya naman nung friday pauwi, habang nagaantay ng bus, nakapila sa gilid ng isang very romantic park sa may filinvest alabang, sabi ko, "ayoko na, nakakapagod na, napakawalang silbi na nitong love shit na 'to sa buhay ko, hindi ko kailangan to, ayoko na. I need some hot air to regain that calmness within myself." sabay dausdos sa may pader. Charot. Pero shit, di ba? So naisipan kong bumili ng ticket for hot air balloon festival. Tinext ko yung kapatid at sister in law ko na gusto kong sumama sa kanila, unconsciously setting aside the fact na kinabukasan may mga nakalatag nang yaya from dear friends on the same day, hapon naman. Kahit na wala nang budget for such whim kasi late na naman ang pasahod ng gobyerno, push pa rin. Push pa rin kahit ang bungad ni ateng pa-friendly sa counter ay ganito nung sinabi kong, "ticket for hot air balloon po ate", "ilang po ma'am?", "isa po". "ay bakit magisa ka lang po ma'am? Kung nakita nyo lang po yung pila dito kahapon at ngayon, lahat po sila grupo ma'am", Napatigil ako, at sa isip ko, "putang ina mo ate wala kang pakialam. Wala kang alam! Leche ka, hindi kasama sa putang inang job description mo ang i-judge ako" pero dahil pa-demure ako, todo effort ako sa "ay hindi po, nahuli lang ako sa pagbili, kasama ko po yung mga blah blah blah" nakakasuka, I hate myself. And I hate explaining to my friends what I needed to do. Buti nalang they were so understanding sa dramang ginagawa ko sa sarili ko. Kahit may konting tampo, they meant good. We were supposed to hang out, watch a movie and make gala in luneta on that day, like some konyo shits. Sagot ko pa naman yung shovel para sa pagbabaon namin ng mga feelings sa mga lalaking crush namin na walang kwenta, mga paasa putang ina. Ilang weeks narin namin pinaguusapan yun, pero dahil talkies, talkie, talkshit ako, dinahilan ko nalang ang "I need this" shit. Buti nalang I have a very understanding best friends. We settled na susunod nalang ako kasi uuwi rin naman kami agad from Pampanga ng mga lunchtime. So off I go with their blessing :)
Naka-Bridge of Spies pa ko bago kami umalis ng 1AM ng madaling araw ng saturday. Ang ganda nung pelikula, beh kasing ganda ng girlfriend ng putang inang crush ko. Charot. Pero seryoso, it was very gripping. Parang feelings ko lang sayo. Char ulit. Haaay, ano ba. Tang ina. Anyway, literal na pinagisang araw ko ang friday at saturday. Ang sarap. Ang sarap parusahan ang sarili. Ang sarap sa balat ng dampi ng madaling araw na hangin. Ang sarap sa puso ang maglabay. Ang sarap maranasan ng actual ang "chasing that sunrise", ng "time slows down" kasama si Clark, si Tolits, si Ate Carol, si Marvy. Ang sarap. Kung isang main character ako sa pelikula, ito ang part na nasa slow motion na ang eksena. Ito ang part na naranasan ko ang kabaitan ng writer at director sakin bilang isang main character sa pelikula. Ang sarap. Can I be like this forever, suspended in this slow motion of life, direk? Mga ganung drama shit.
Ang dami naming kasabay. Ang haba ng pila ng mga tao sa bus terminal sa Pasay. Lahat papuntang Clark Pampanga. Mga 3:20am na kami nakasakay ng bus, thanks to ate carol na magaling sa chance passenger game. Sa sandaling 'yon, pinangarap ko ring maging magaling sa "chance", chance na maging tayo. Tang ina humahaba dahil sa mga putang inang banat na hindi naman nya naman mababasa. Parang puso ko lang, banat na banat na kakamahal sayo. Haha! Anyways, para kaming isang grupo na nagfifield trip lang the way passengers act on each other. May mga pasaherong piniling tumayo nalang kesa antayin yung next na bus na 4am pa dadating. Siguro mas matindi ang pinagdaanan at patuloy na pinagdadaanan nung mga piniling tumayo kesa sa drama ko sa buhay. Siguro yung mga piniling tumayo eh naexperience mahalin pero hindi rin naging okay ang naging kinalabasan. Kung ganoon lang din, mas okay narin pala na ako lang ang nagmamahal, at least hindi pa rin nawawalan ng common sense na "ateng, masakit sa paa ang tumayo ng 2 and half hours sa loob ng bus tapos madaling araw pa." Oo mas okay pa rin pala ako. Anung drama? Haha so okay. We chased that sunrise, alright. Dumating kami ng Clark, Pampanga around 5AM. Madilim dilim pa. We arrived sa mismong venue ng 6AM or so dahil sa traffic on the way pa-loob, with all the parkings and all, you know. Normal lang naman. Refreshing lang ang venue kasi ang lawak. Ang sarap rin makakita ng mga tao. Unang reaction ko, "parang nakapaghilud ng maayos ang mga tao, mga mukhang mayayaman lahat.", second reaction, "ang daming gwapo", third reaction, "kaso leche may mga girlfriend na naka-shorts shorts. Paano ko lalabanan nyan", fourth reaction, "putang ina nyo, hindi nyo ko kayang sirain."
Do I have to tell that there was this one guy who stood out from all the rest? Do I dare tell you that the urge to come near him and struck a conversation was so strong? Kaso kasama ko si Clark, yung pamangkin ko kaya hanggang titig lang ako. Sa terminal palang ng bus gusto ko na syang pakasalan. Hahaha charot. Ang rare kasi sa species nila na pupunta sila sa ganoong festival, alone. All alone. Nakakainit sa mata ng mga tulad kong single. Haha! Anyways, he was so into the air show, na para bang andoon sya philosophically. He was so rare, I hope chance will allow us to meet again. Philosophically, tang ina, saan nangaling yun? Ang ending, hindi nya napapansin yung pagpapacute ko sa kanya. Kasi philosophical sya. So move on nalang. Putang ina nya. Lol.
By lunch time, as planned, bumyahe na ulit kami pa-manila thinking na smooth ang magiging travel namin on the way back. By 2:30PM nasa Balintawak area na kami. By 2:35PM, nasa SM North na kami. Everything stands still nung nasa may Centris area na, mga isang oras na stand still putang ina. Akala ko pa naman isa ako sa mga mauuna sa kitaan with Erika, Rodelle, Bert, Jha sa SM Manila. By 3:30PM bumaba na ko ng bus para mag-mrt at lrt on the way there. Sa Cubao bababa sila Ate Carol. I later found out, after 12 hours sleep, na 8PM na sila nakarating ng bahay. Bullshit di ba, tang inang EDSA talaga. Ako naman, I arrived sa meeting place at around 5PM or so with an oily face at wala na sa hulog at babagsak na at lutang na lutang with multiple putang ina thoughts: "Tang ina, was it worth it? Was it worth na pumila kami ng pakahaba haba sa iisang portalet na literal na magtatransport sayo sa isang masalimuot na mundo ng kabahuan pagkapasok mo sa loob? Tang ina, eh naihihan ko yung shorts ko dahil sa pagiwas sa maduming bowl, did I dare breath? Did I dare look? Tang ina, kung one sided love nga kinaya ko, ito pa? Pero hindi mo alam kasi wala kang pakiramdam, para ka lang isa sa mga tissue na nakabalandra doon, walang feelings! Dagdag sa kadumihan ng mundo! Sarap mong i-flush tang ina mo. Anyways, was it worth na wala na nga akong budget, nasaan ang hustiya na kailangan kong bumili ng shorts at t-shirts kasi yuck kung hahayaan ko lang matuyo sya sa katawan ko, di ba? Was it worth it na ang saya saya saya ko pa rin kahit ganoon? It was worth it putang ina." Habang ang mga kaibigan ko ang fresh fresh ng mga itsura haha below are the pictures to prove it lol
What a "deadpool" kind of Saturday it was. Bagsak ng kalahating araw ng sunday katawan ko dahil sa pagod, which served the purpose, actually. Lol tang ina, happy thoughts lang pagdating ng Monday. Like any normal days. But who am I kidding, tang ina.
No comments:
Post a Comment