Thursday, August 27, 2015

Medyo

Medyo nakakairita na yung reply na "copy thanks" ng boss ko. Medyo nakakairita yung late kang pumasok kasi trapik, kasi nakakatamad, nagtext ka sa opisina na medyo male-late ka pero di ka nireplyan, dumating ka ng mga quarter to 9, wala yung boss mo, wala yung NCO nya, tapos nalaman mong may conference kang dapat puntahan kasi walang ibang may alam sa agenda ng conference kundi branch nyo lang, magpapahatid ka na sana pero walang sasakyan kasi gamit ng lahat ng opisyal, nagpasuyo ka sa ibang ka-workmate mo na may kotse, na available at parang hindi naman busy sa pagkakataong yun, pero tinawanan ka lang, nakisabat yung isa, nakisabat lahat, medyo nakakainis yung walang pagsuporta di ba? So bago pa magdilim paningin mo at kung ano pa masabi mo sa mga taong yan na mas matagal pa ang serbisyo kesa sa length ng buhay mo, na gumagawa o nakagawa na ng sarili nilang institusyon gamit ang pera ng pamahalaan, naisipan mo nalang mag-dos ride, paglabas mo walang dos ride, naglakad ka ng kaonti, nagtanaw tanaw, wala parin, lumakad ka ulit, wala paring dos ride, hanggang sa nakarating ka nalang sa venue ng conference, medyo nakakainis, medyo nakakairita.

No comments:

Post a Comment