Saturday, January 8, 2011

kung inlab ka sakin, sabihin mo na ngayon..

Tahimik na ang buong kapaligiran. Mga nakahiga na ang mga tao, kung hindi man tulog eh siguro nagdadasal pa. Mahaba habang dasal. :D Ayan! Kung anu-ano na namang pinapasok mo diyan sa kokote mo. Mabuting ilabas mo yan. Katulad ng ginagawa ko ngayon. Parang gusto ko maghamon ng away dito sa daga sa bahay namin na nagfi-feeling na sya ang nakatira at kami ang nakikitira. 'kung binibenta lang ang away eh binili ko na'. Pesteng peste yan. Nagtataka ka siguro kung bakit ganito ang nababasa mo ngayon, yun eh kung binabasa mo nga to. Gusto ko lang kasing magsulat ng kung anu-ano. Nahilig ako sa pagbabasa kailan lang ng mga kwentong galing din sa internet, mga bloggers ba. Patok na patok yan ngayon, lam mo ba? O ako lang ang nakakapansin nun dahil ang inaatupag mo ay ang makipagkyut kyutan sa crush mo. Oo, naiintindihan kita diyan. Ako ay isang kabataan din. Pero.. Wala lang, gusto ko din sabihing may crush din ako. Osya, di na ko magpipilit sa ganitong mga bagay. Kung kaibigan kita at nabasa mo to, wag mo na lang intindihin ah. Alam mo naman kapag sinapian ako ng topak, tuloy tuloy. Napakawalang kwenta neto. Pero di ko mapigil ang sarili ko. Ako'y gigil na gigil.
Kung napipisil lang ang mga salita, pinisil pisil ko na. Oha! :)