Sunday, March 25, 2012

HBD :D

Ito ay para sa aking munting kaibigan na si Charmaine Lim Gabriel na nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon. Walong taon na rin kaming magkaibigan, sa nakalipas na mga taon, medyo bilang ko kung ilang beses lang kaming nagkita, nagkausap at nagbonding. Alam ko naman kasing di talaga sya maaasahan sa mga ganung bagay hahaha ayaw nya kasi ng shit, pero di yun dahilan para mawala ang ang nabuo naming samahan. May minsan na aksidenteng kaming nagkakasabay sa bus, at dun namin nagagawa ang tinatawag na "catch-up". Kapag naubusan nang mapagusapan,pagtsitsimisan namin yung mga kaibigan rin namin nung highschool. 
Isang napakasipag na nilalang sa pagaaral, kahit anung pagyaya ng kanyang mga kaibigan, 'di sya papatinag. Minsan nga nakakatampo na rin, pero sa pagdaan ng mga taon nasanay na rin kami :)))) mahal nga naman ang tuition fee sa Letran.
Hindi ako makahanap ng picture na kaming dalawa lang :))) kaya yan na lang. sabi ng iba masungit at suplada daw sya, totoo naman talaga hahaha di ko nga alam bakit naging magkaibigan kami nito eh. Ang alam ko lang parehas kaming maganda na wala pa ring boyfriend hanggang ngayon :)))
I love you Cham! Mwah mwah tsup tsup! Gamitin mo yung binigay ko ah? Alam ko sisikat ka! hahaha suportado kita jan :)))