Sunday, June 26, 2011

Ang bigote ni Hitler

Isa siguro sa mga dahilan kung bakit naging sakim at sadista si Hitler ay pagkakaroon nya ng weird na bigote. Kung sa mga babae may tinatawag na bad hair day pag gumigising sa umaga, si Hitler naman ay may bad bigote day. Alam ko corny pero nakakasira naman talaga ng araw yung kapag pagising mo sa umaga may mapapansin kang mali sa echura mo. Ang ending, nabubuntunan mo yung ibang tao. Hindi na tuloy natin napapansin ang mas mahahalagang bagay na dapat bigyang importansya bukod sa kamalian ng mukha mo. Ewan ko, pero sana kung may nagbabasa man nito ngayon, sana matulungan mo kong maisalba ang pagkatao ko. May mali na yata sa utak ko.