Sunday, January 10, 2016

Sunday.

Sa panaginip ko niyayakap raw kita ng mahigpit na mahigpit, hinahalikan ko raw ang pisngi mo, at binulong ang mga ito sa tenga mo, "Mahal na mahal na mahal kita na mahal kita pero alam kong masaya ka na sa piling nya" habang nagpipigil ng mga luhang pumatak sa mga pisngi ko. Hindi ko na nalaman kong ano ang naging reaksyon mo, kung hinalikan mo rin ang mga pisngi ko at tinugon ang mahigpit na yakap ko dahil sa sandaling iyon nagising na 'ko, buti nalang kasi ayokong makita sa mga mata mo ang larawan ng pagmamahal mo sa kanya. Ang sakit sakit ng puso ko paggising ko, mga ilang minuto ring nakatulala sa kawalan, walang ganang kumain, maya maya naisipang magbukas ng internet at parusan ang sarili sa kakapanood ng mga romantic korean movies. Ang sakit mong mahalin. Tama na, ayaw ko na, nakakapagod kang mahalin. 

No comments:

Post a Comment